Parazzi Chikka: Glaiza de Castro, Prinsesa ng Pinoy Indie!

Hindi talaga nawawala ang kagandahan ng Kung Aagawin mo ang Lahat sa Akin star na si Glaiza de Castro sa Pinoy indie scene. Paano ba naman, tatlong pelikula lang naman ang nagawa niya at  sa lahat ng mga iyon, isa siya sa mga bida!

Si Glaiza ang pumalit kay Jewel Mische na tumanggi sa mahalagang papel sa Bente na pinagbibidahan naman ni Aldred Gatchalian. Kasali rin siya sa Astig bilang katambal ni Dennis Trillo. Bongga naman ang partisipasyon niya sa Rakenrol, isang pelikulang tungkol sa buhay-buhay ng aspiring rock bands. Kasama naman ng ating prinsesa rito sina Ketchup Eusebio, Alwyn Uytingco, Diether Ocampo at Jason Abalos.

Advantage kay Glaiza ang kanyang versatility bilang artista. Marami rin ang nagsasabi na magaan itong katrabaho kung kaya’t palagi siyang kinukuha. Truly, Glaiza is the current princess of pinoy indie films at maging sa Sinenovela block, isa siyang bidang-kontrabida. Keep it up, Glaiza!

Parazzi Chikka
by Mica Rodriguez

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.