Glaiza de Castro, nag-deny sa away nila ni Angel Locsin!

Magkatapat ngayon sa primetime ang Grazilda ni Glaiza de Castro at Imortal ni Angel Locsin. Unpredictable ang nagiging rating ng dalawang programa, pero ayon kay Glaiza, hindi naman sila nag-aaway ni Angel Locsin tulad ng ipinipilit ng mga miron sa showbiz. Ayon pa sa kanya, ayaw niyang ma-tsismis na magkaaway sila ni Angel dahil iisa lang ang grupong kinabibilangan nila at magkaibigan naman talaga sila kahit noong nasa Kapuso network pa si Angel. Kung inyong tititigan  nang mabuti, makikita ang malaking pagkakahawig nina Glaiza at Angel. Puwede na rin silang magkapatid sa isang movie project! Why not, tsoknat?!

ANDI EIGENMANN, BAGONG ‘HEIRESS OF DRAMA’

Muling nagbabalik sa ABS-CBN ang dating Agua Bendita star na si Andi Eigenmann. Mapapanood natin ang dalagang anak ni Jaclyn Jose tuwing Linggo ng hapon sa Your Song presents: Andi. Walong episodes ang nakatakdang labasan ng isa sa pinakamagandang bituin ng Kapamilya network ngayon. Puspusan din ang pagpapasikat sa kanya ngayon dahil isa siya sa mga bida ng Shake, Rattle and Roll para MMFF. Sina Carla Abellana at Shaina Magdayao ang kanyang makaka-showdown sa takutan. May tsika rin na isa siya sa magbibida sa remake ng Temptation Island ng Regal Films.

‘WILLING WILLIE’ NI WILLIE REVILLAME, SA OKTUBRE 23 NA!

May dahilan na para magdiwang ang mga loyalistang tagahanga ni ex-Wowowee man na si Willie Revillame. Ilo-launch na kasi sa Kapatid network ang kanyang bagong palabas na ‘Willing Willie’ sa TV5. Balitang todo-todo ang paghahanda ng mga staff and crew ng palabas at lahat ng involved sa project ay ganadung-ganadong magtrabaho. Matagal-tagal ding nawala sa telebisyon (maliban sa mga news at talk shows) ang maka-masang performer. Magtuluy-tuloy na kaya ulit ang pagpapasaya ni Willie sa sambayanang Pilipino? Nawa’y mawili kami r’yan, huh!

ROBIN PADILLA AT BEA ALONZO, MAGTATAMBAL SA ISANG PROYEKTO!

Matatapos na ang fashionserye na Magkaribal, kaya naman marami na ang curious sa kung ano ang magiging bagong project ni Bea Alonzo sa Kapamilya network. Ayon sa dalaga, nakatakda niyang gawin ang isang teleserye kasama si Robin Padilla. Mag-uumpisa na raw silang magteyping ngayong Nobyembre at ang hula namin, ito ay isang action/drama show. Maganda rin na magsunud-sunod ang project ni Bea na hindi kasama ang kanyang matagal na ka-loveteam na si John Lloyd Cruz. Ang tanong: Matuloy kaya ang Binoe-Bea project, o haharangin na naman ito ni Mariel? Charot lang!

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Glaiza de Castro, nag-deny sa away nila ni Angel Locsin!

  1. mas maganda po si glaiza hindi ngiwi at hindi pustiso ang ngipin niya kaya maayos nakapagsalita. diba anghel? ever shince.. five yearsh.

    • Eksaorada ka Glaiza Malaway!! at ano nmang ibig mong sabhin na si ANGEL ay Pustiso? Or IKAW??lolzz…Chaka Mo kaya Glaiza MaLaway Lalo na pag Tinititigan na..Di Tulad ni ANGEL TOMBOY Lalong gumaganda kapag Tinititgan!! kesa syo Glaiza Laki Bunganga kasya Burat Ni Mark Herras..Nagsisiksikan pa ang Laway mo sa Bunganga mo pag nagsasalita ka Glaiza! eowwwwww…lolz

Leave a Reply

Your email address will not be published.