Glaiza de Castro, ‘di makapaniwala na finalist sa Seoul Drama Awards ang teleserye

PASOK ANG Temptation Of Wife bilang isa sa finalists sa Seoul Drama Awards. Ang isa sa cast nito na si Glaiza de Castro na gumanap bilang si Heidi, ang kaagaw ni Angeline (Marian Rivera) sa asawa nitong si Marcel (Dennis Trillo), sobrang tuwa raw ang naramdaman nang mabalitaan niya kamakailan ang tungkol dito.
Anim lang ang napabilang sa Programmer’s Choice Of Final Entries. Ang lima pa pa ay ang Real Humans ng Sweden, Wings Of Hope ng Japan, Windeck ng Angola, Breaking Bad (Season 1) ng USA, at Clan ng Belgium.

“Ang saya!” ani Glaiza nang makakuwentuhan namin.  “Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala. Sobra akong kinilibutan nang narinig ko ‘yong balita na ‘yon. Kasi kahit papa’no, ‘di ba… may ipagmamalaki ang mga Pilipino dahil do’n.

Wala pa raw opisyal na imbitasyon silang natatanggap kaugnay nito.

“Kaya nga hindi pa rin nagsi-sink in sa akin, eh. Pero thankful ako sa pagkakasama ng Temptation of Wife bilang isa sa finalists. Isang malaking karangalan na ‘yon, ‘di ba? Sobrang blessing na. Gusto kong pumunta kapag nakatanggap na kami ng formal invitation. Pangarap ko rin kasing maka-attend sa mga gano’ng klase ng international na awards night.  At ‘yong makapunta ka lang, sobrang blessing na iyon, eh.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Glaiza de Castro, ‘di makapaniwala na finalist sa Seoul Drama Awards ang teleserye

  1. Isa si Glaiza De Castro sa pinakamagagaling na aktres sa Philippine showbiz ngayon!!!
    Sana manalo sya ng award sa KOrea!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.