Glaiza de Castro, ayaw makialam sa Jen-Patrick issue – Gorgy’s Park

ISA SA MGA kontrabida si Glaiza de Castro sa bagong telebabad ng GMA-7 na Stairway to Heaven at mukhang panindigan na nito ang pagiging kontrabida dahil mas challenging daw ang role.

Sa presscon ng Stairway, natanong namin kay Glaiza kung totoong nanliligaw sa kanya ang dating Survivor na si Jace Flores.

Naudlot na rin ba ang panliligaw sa kanya ni Patrick Garcia?

Kuwento ni Glaiza, hindi naman daw niya alam kung may balak na ligawan siya ni Jace pero nagte-text at tumatawag daw sa kanya noon. Pero ngayon ay tumigil na raw kaya hindi raw nito alam kung ano ang balak nitong gawin.

Naging magkaibigan lang daw sila at merong komunikasyon noon pero ngayon ay natigil na nga kaya ayaw na itong pag-usapan ni Glaiza.

Pagdating naman kay Patrick, okay raw sila ngayon as friends. Lalo pa nga raw silang naging close nang magkasama sila sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin. Pero walang ligawang nangyari at never daw silang naging mag-on.

Nagkaroon pa nga raw sila ng bonding dahil sa madalas silang magkasama sa taping.

Nakikita rin daw ni Glaiza na talagang nag-e-effort si Patrick na makita ang anak niya kay Jennylyn Mercado pero mukhang malabo talaga.

Wala naman daw siyang magagawa para tulungan si Patrick sa problema niya dahil isyu naman daw nila iyon ni Jennylyn.

Ayaw raw niyang pakialaman iyun dahil wala naman daw siyang karapatang manghimasok  sa problema nina Patrick at Jennylyn. Pero bilang kaibigan, gusto naman nitong sumaya si Patrick, kaya sana matupad naman daw nito ang pangarap niyang makita na ang kanyang anak.

Kaya lang matigas talaga si Jennylyn at kapag si Patrick na ang tanong mo sa kanya, iniiwasan na niya ito at ayaw na niya itong sagutin.

Paolo Contis, nakipag-ayos na sa mommy n’ya

MASAYA NA RAW ngayon si Paolo Contis dahil nagkabati na raw sila ng Mommy niya.

Tinanong ko nga si Paolo tungkol dito, ayaw muna niyang pag-usapan dahil mas gusto raw niya kasama na niya ang Mommy niya kapag nagsalita siya.

Nakausap na nga ng aktor ang Mommy niya at masasabing medyo okay na sila. Pero mas gusto nitong ang Mommy niya mismo ang magsalita.

Masasabi ring okay na okay na sila kapag maipakilala na ni Paolo sa Mommy niya ang kasintahan niyang si Lian Paz.

Hindi pa raw niya ito naipakilala pero feeling nito tanggap na rin sa Mommy niya dahil sinabi nga niyang ipakilala na niya ito at hindi naman daw kumontra ang Mommy niya.

Kaya masaya na siya ngayon dahil naayos na rin nito ang kanyang ina.

Meron daw silang pinag-usapang hindi puwedeng sabihin dahil isyu raw iyun sa pamilya nila kaya mas gusto ni Paolo na tahimik na lang muna.

By Gorgy’s Park

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.