Gladys Reyes, very proud sa pagbibida ng asawang si Christopher Roxas sa ‘Tabon’

Gladys Reyes and Christopher Roxas

BIDA na rin sa wakas after two decades sa pelikula ang mister ni Gladys Reyes na si Christopher Roxas. Ang aktor ang lead star sa pelikulang Tabon na directorial debut ni Xian Lim para sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival.

“Nung una, akala ko talaga support role yung in-offer sa kanya ni Xian. When I found out na siya pala talaga yung lead role, sa akin, siyempre, long overdue na rin di ba, kaya sobrang happy ako and supportive sa kanya,” kuwento ni Gladys sa amin.

Si Xian din daw mismo ang tumawag kay Christopher at nagtanong kung puwede ba niyang gawin ang Tabon.      

Maging si Christopher ay hindi rin daw ini-expect na magbibida pa siya sa pelikula.

“Nung storycon, pinaupo siya sa gitna, sabi niya, ‘bakit ako nasa gitna?’ Ayaw niya pang umupo. ‘Hindi bro, ikaw ang lead dito.’ So nagulat siya, ‘Ha?’ Pag-uwi tuwang-tuwa siyang  ibinalita sa akin.

 “Ako naman, siyempre sobrang happy ako for him at the same time nainggit in a nice way kasi  sabi ko, buti pa siya nakapag-Cinemalaya na, ako hindi pa,” pahayag pa ng aktres.

 

 
 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

One thought on “Gladys Reyes, very proud sa pagbibida ng asawang si Christopher Roxas sa ‘Tabon’

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.