Gladys Reyes, nagantihan sa pagiging kontrabida

Gladys-ReyesNATAWA ANG ilan press na dumalaw sa taping ng Little Nanay sa Sta. Ana, Manila kamakailan kay Gladys Reyes na naitsika na nakaganti na raw ang mga taong galit sa kanya.

“May eksena kami ni Ate Guy na pupuntahan ako sa aking tirahan. Akala ko ay kakausapin lang ako, eh, biglang akong sinabunutan at sinampal ni Ate Goy. Pero teka po, eksena lang po ‘yun.

“Sabi ko nga sa mga galit sa akin, ‘Nakaganti na kayo. Iginanti kayo ni Ate Guy.’ Binugbog niya ako rito sa Little Nanay. Saka, pagkatapos ng eksena ay panay sorry ni Ate Guy,” natatawang tsika ni Gladys.

Samantalang naikuwento rin ni Gladys ang pagpunta nila ng husband na si Christophes Roxas sa USA para magbakasyon at mag-bonding na rin na hindi kasama ang kanilang tatlong anak.

Asked namin kung kasama na rin sa bakasyon nilang dalawa lang sa Tate ay para madagdagan pa ng isa ang mga anak nila?

“In fairness, naging maingat kami. Tatlo na po ang mga anak namin ni Chris. Siguro tama na ‘yon. May dalawang lalaki at isang babae na kami. Kumbaga, naka-bingo na kami, kaya okey na kami.”

First trip nga raw nilang mag-asawa ‘yun na hindi kasama ang mga anak nila. Talaga raw pinlano nila ‘yun para magkaroon sila ng alone time. Nag-tour sila sa Los Angeles, San Francisco, Seattle, and Las Vegas.

“Matagal na rin na hindi kaming dalawa lang mag-asawa. Gusto ulit namin ang feeling na nagde-date. Kaya inayos talaga namin itong trip na ito just for the two of us.

“Para mas makapag-usap kami, mag-bonding as husband and wife kahit na 16 days lang kami roon,” masayang pagkukuwento ni Gladys.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.