GLADYS REYES, KINAKARIR ANG PAGIGING BOARD NG MTRCB!

NAKAKATAWANG MAGKUWENTO ‘TONG si Gladys Reyes mula nu’ng siya’y i-appoint bilang board member ng MTRCB. Ang natoka raw sa kanya ay ang pagre-review ng mga indie films tulad ng mga kabaklaang kuwento.

“Juice ko, mare, sa ‘kin pa talaga natoka ‘yon, ha? Hindi na lang ngayon kay Christopher ang nakikita ko, pati sa ibang kalalakihan, hahaha! ‘Yung iba, may kuwento, ‘yung iba, parang ginagawang bentahe ‘yung pagpapakita.”

Ayon naman sa mister ni Gladys na si Christopher nung makausap namin sa Nasaan Ka, Elisa? ay, “Si Gladys, mula nung maging board member ng MTRCB, dinidibdib niya talaga ‘yung trabaho niya. ‘Pag me taping siya o commitment, ipinapakiusap niya na papasok lang siya ng 2 hours sa MTRCB, saka siya didiretso sa commitment niya.

“Talagang pasok nang pasok. Kina-career niya talaga!”

So, hindi na kami masa-shock kung in the future ay maging MTRCB Chief itong si Gladys.

NAKAKALOKAH, ANG BIBIGAT ng mga bagong palabas sa hapon ng ABS-CBN. Level-up talaga.

Ang alam namin, magsasanib-pu-wersa ang Mula Sa Puso remake, Nasaan Ka, Elisa? nina Melissa Ricks at ang Maria La Del Barrio nina Enchong Dee at Erich Gonzales.

Ang primetime bida nga, ang bibigat na, eh. Ayaw pakabog ng hapon. Baka nga ang ending nito, humina na ang pelikula, dahil hindi na aalis ng bahay ang mga tao nito sa kasusubaybay ng favorite nilang teleserye.

KAHIT NASA U.S. at nagtatrabaho doon bilang caregiver ay naka-monitor pa rin si Mommy Eileen sa kanyang mga anak na sina Jessa Zaragoza, Lloyd at Vince.

Si Jessa ay nasa pangangalaga ni Arnold Vegafria, sina Lloyd at Vince naman ay nasa aming pangangalaga.  Si Lloyd ay nasa Minsan Lang Kita Iibigin na ang buong akala ni Mommy Eileen ay wala sa billing si Lloyd, pero nasa bandang hulihan ang name nito.

Nanghihinayang si Mommy Eileen, dahil magko-concert si Lloyd sa Area 05 (dating Ratsky Morato) sa April 2 at 8 pm, pero wala naman sila dito.

“Sana, maging successful, dahil pangarap ni Lloyd ‘yan noon pa. Singer talaga ‘yan bago nag-artista.” Guest ni Lloyd si K Brosas at may dya-jam din sa kanya na ibang surprise guests.

Proud mom si Mommy Eileen, lalo na ang doktor nitong asawa na isa namang nurse din sa isang hospital. In other words, nakikipagsapalaran sila sa Amerika.

Si Vince naman ay ipina-co-manage namin sa Viva Films, kay Boss Vic del Rosario at may sisimulan itong show sa TV5.

PUWEDE N’YO RIN kaming sundan sa twitter @ogiediaz at i-follow n’yo rin kami sa http://www.ogiediaz.blogspot.com. Meron din kaming mga intriguing blind items sa E-Live bukas, Sabado, pagkatapos ng Happy, Yipee, Yehey!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.