Gladys Reyes, ayaw magpalagay ng prosthetics

Gladys-ReyesMABIGAT ANG costume ni Gladys Reyes bilang si Barracuda sa Kambal Sirena na nagsimula nang umere last Monday sa GMA 7. Kaya parati raw gamit niya sa taping ay chroma dahil imposible raw na basain ang kanyang suot.

“Pareho kami ni Angelika dela Cruz na nasa chroma parati. ‘Yung costumes kasi namin may headdress na malaki tapos may mga kinakabit pa sa suot namin at mabigat ‘yung buntot. “Kahit na sa chroma lang kami kinukunan, mahirap din kasi kailangan tiisin mo ‘yung init ng ilaw, isama pa ‘yung bigat ng costume. Pero in fairness, kapag napanood mo naman sa monitor ang eksena namin, ang ganda.

“Magaling ang director naming si Dondon Santos kasi alam niya ang magagandang anggulo at maayos siyang magbigay ng directions sa amin,” say ni Gladys.

Ang pakiusap lang ni Gladys ay huwag nang lagyan ng prosthetics dahil nagkakaroon ng hindi magandang reaction ang mga ito sa kanyang mala-porselanang kutis. Kaya nag-sorry raw siya kay Direk at sinabi na, “Sorry direk, hindi ko talaga kaya na ‘yung prosthetics na kinakabit sa akin. Okey na ‘yung make-up lang para tuluy-tuloy ang shoot namin. Ayoko namang maging cause of delay, ‘di ba? Kaya pumayag naman sila.”

Dahil malapit lang sa kanilang bahay ang studio, kung saan kinukunan ang mga eksena niya kaya minsan ay dumadalaw ang mga anak niya na tuwang-tuwa sa kanyang costume.

“First time nila akong nakitang nag-costume. ‘Yung bunso ko ngang si Carl, medyo natakot kasi nakakatakot nga naman ang make-up ko at ang suot ko. Pero later on ay okey na siya. Panay nga ang pa-picture ng mga bagets sa akin. Para raw akong kontrabida sa The Little Mermaid, hahaha!” natatawang say pa ni Gladys.

 

Problemadong actor, ‘di makalabas sa bar dahil sa utang na P2,500

 

BLIND ITEM: Ikinagulat ng former president ng PMPC ang paglapit sa kanya ng isang artista na may problema raw, kaya kinausap naman niya ito sa isang sulok para walang makarinig ng problema ng actor.

‘Yun palang problema ng actor ay hindi makaalis dahil may utang daw ito na P2,500 sa isang bar at wala daw yatang dalang pera, kaya dinala ng former president na ito sa kasalukuyang pangulo ng club.

Binayaran na lang para wala nang problema at nalaman na lang later na binabantayan ng mga security ng hotel ang nasabing artista hanggang hindi siya nakababayad.

Sino siya? Ask ninyo si former president ng club.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

4 thoughts on “Gladys Reyes, ayaw magpalagay ng prosthetics

  1. Wowwwww big congratulations gma…to those who is open minded,try to watch something new,dont be negative at the start,just forget about d stations,just watch kambal sirena,ang ganda ganda…..

  2. Ayon sa broadsheet na nabasa ko kanina sky rocket ang taas ng rating ng Kambal Sirena lalo na yung first day… Congratulations GMA 7….

  3. skeleton princess…e hindi marunong umakteng ang tagal na sa showbiz,mrmi lng tlgabang viewers kc maganda..tingnan nyo ang kambal sirena,c louise npka talented,marunong umarte,.. bayaan nlng ntin c putrizk hitad ay namumroblema sa rating sa kambal sirena…pg ng high c kim chiu sa rating my share c putrizk hitad haha wawa tlaga….

Leave a Reply

Your email address will not be published.