Gladys Reyes, ‘di pa rin nagpatalo kay Judy Ann Santos!

TINGNAN MO NGA naman ang pagkakataon. Sino ba naman ang mag-aakalang magkakasabay sa kanilang pagbubuntis ang matalik na magkaibigang sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes? Nauna nang naibalita that Juday is expecting her firstborn. Kamakailan naman I announced together with Toni Gonzaga about Gladys’ pregnancy on SNN: Showbiz News Ngayon.

Gladys and husband Christopher Roxas are expecting their third child. They now have two children, Gian Christophe & Aquisha.

Juday and Gladys’ onscreen rivalry was first seen on the top-rating afternoon series Mara Clara na itinuturing na “The Longest Teleserye in Philippine Television” which ran from 1992 to 1997. It was also the first Philippine drama series na nagkaroon ng movie version titled Mara Clara: The Movie noong 1996 under Star Cinema.

Pinaluha tayo gabi-gabi ng Mara Clara at habang marami ang naawa kay Mara (Juday) ay marami naman ang nasuklam sa pagkamaldita ni Clara (Gladys Reyes). Mara Clara made the stars and their characters household names.

After several years, the arch-rivalry of Juday and Gladys was brought once again to the small screen with Habang May Buhay.

Pero sa kabila ng kanilang pagiging mortal na magkaaway onscreen, mag-bestfriends sina Juday at Gladys sa totoong buhay. Malayo na ang narating ng kanilang friendship na nasubok noong kasagsagan ng bagyong Ondoy sa bansa. Gladys and her two kids were rescued from their rooftop by Juday and Ryan Agoncillo. Christopher was abroad at that time.

Kung sina Gladys at Christopher ay nagkakilala at na-in love sa isa’t isa sa set ng Mara Clara, sina Juday at Ryan naman ay sa Krystala.

Nakatutuwang isipin how Juday and Gladys would share this wonderful and exciting experience of being mothers. Ano kayang tips ang ibinibigay ni Gladys kay Juday to prepare herself for motherhood? And who knows, several years from now ay magkakaroon ng Mara Clara Part 2 starring their own daughters (kung babae ang magiging anak ni Juday)?

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleEmpleyado ng Navotas City Hall, kulong sa pananaksak
Next articlePhoto Oops: Konti pa! (Kim Chiu)

No posts to display