Gladys Guevarra, sangkot sa maraming kaso

NAPANOOD N’YO ba ang Startalk nu’ng Sabado? ‘Di ba may bagong demandahan na naman kaming na-scoop?

Si Gladys Guevarra naman ang involved na kung saan dinemanda siya ng dating boyfriend niya at ka-live in partner for almost five years ha!

Nagsumbong sa Startalk ang dating boyfriend ni Gladys na si Jojo Diamsen na sinugod daw siya sa bahay nito nu’ng August 23 ng madaling-araw at nagwala raw Roon. Binangga raw ang gate nila at tangka pa raw siyang sagasaan.

Ang gusto raw kasi nitong Gladys na magkabalikan na sila, kaya lang ayaw na raw nitong Jojo dahil meron na raw siyang bagong girlfriend. Kaya nagwala-wala raw itong komedyante.

Nagkaroon ng gulo na nasaksihan pa raw ng mga anak nitong Jojo kaya ang Isinampa niya sa QC-RTC ay Attempted Murder, Grave Oral Defamation, Grave Coercion at Child Abuse.

Ito palang si Gladys ay nagdemanda na rin ng Anti-Violence Against Women and Children na isinampa sa Camp Karingal pagkatapos nangyari ang gulong ‘yun. Kaya nagsagutan lang sila ng demandahan.

Sinabi naman ni Gladys na may natira pa raw siyang feelings sa dating boyfriend dahil sayang din daw ang five years na pinagsamahan nila. Pero pagkatapos daw ng gulong ‘yun, nawala na raw. Kaya haharapin daw niya ang kasong ito. Kaya lang bakit daw pina-media nitong Jojo ang pag-file niya ng demanda, eh siya nga raw ‘yung artista, hindi naman siya nagtawag ng media nu’ng nag-file siya. Hindi naman daw kailangan ‘yun sa career niya bilang entertainer.

Gusto lang daw nitong Jojo na mapansin at magkaroon ng trabaho dahil wala raw kasi itong kinikita.

Ito kasing si Jojo ay musical director din ni Gladys at kumikita siya sa lahat ng mga show ng singer/comedienne.

Pero ganu’ng nagdedemandahan na, eh ‘di sa korte na lang daw nila ‘yun pag-usapan, at huwag na sa TV.

Hay, naku! Isa lang ‘yan sa mga iskandalo sa showbiz na pag-usapan sandali natin, pagtapos nu’n makakalimutan din ‘yan.

 

GANYAN DIN ‘yang sex video scandal na kinasangkutan ni Wally Bayola.

Mainit lang ‘yan na pinag-uusapan ngayon, pero ilang buwan lang ‘yan makakalimutan na rin.

Marami ang nanghinayang sa career ni Wally na baka bumagsak na ito, pero tingin ko naman hindi pa.

Dapat harapin ito ni Wally at ayusin niya at humingi ng tawad sa pamilya niya.

Dinig  ko naman matagal na siyang napatawad ng asawa niya at hindi naman daw siya binitiwan ng asawa niya. Kaya siguro harapin niya ito at humingi ng patawad sa nagawa niyang kasalanan. Tapos, mag-move on na at bumalik sa trabaho.

Ang malaking problema ni Wally, malaki ang ginagastusan nito sa pagpapagamot sa anak niyang may cancer kaya kailangan na niya talagang bumalik sa trabaho. Hindi naman puwedeng magmukmok na siya at magtago, ‘di ba?

 

MAMAYANG GABI na magsisimula ang Akin Pa Rin ang Bukas na pinagbibidahan ni Lovi Poe na papalit sa timeslot ng katatapos lang na Mundo Mo’y Akin.

Marami ang curious dito dahil first drama series ito na ginawa ni Laurice Guillen sa GMA-7 at talagang kinarir daw niya nang husto.

Dito na rin yata sa seryeng ito magkakadebelopan sina Rocco Nacino at Lovi, kaya abangan natin ‘yan mamaya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Gladys Guevarra, sangkot sa maraming kaso

  1. Lolit, humanda ka dahil ikaw ang isusunod na iimbistigahan. Di ba binayaran ka ni Bong Revilla ? Mga bata bata mo si Bong at Lani. Involved ka rin sa 10 billion pork barrel scam, aminin. Dapat imbistigahan ka rin ng DOJ. Ang lakas pa ng loob mong ipagtanggol ang mga kurakot na ito. Hindi ka lang hartbat queen. Magna ka pa.

  2. ANO BA ITONG SI GLADYS? MINSAN ILUSYONADA. NILANDI-LANDI NI JANNO, ABA, NEXT THING YOU KNOW, JOWA NYA NA? HAHAHA. TAPOS, NA-IN LOVE SA ISANG FIL-AM EH BEKI NAMAN DAW PALA. NGAYON NAMAN, MANANAGASA PA NG EX? HANOVAH!

  3. HI MANAY MADAM LOLIT……MANAGER KAYO DEVAH…………PWEDE BANG……….IPASOK NYO AKONG ARTISTA…HINDI ARTISTA NA SIKAT AHHH…EXTRA EXTRA LANG….KAHIT UNG BINUUGBUG..O BINUBUHUSAN NG KAPE…STUNTMAN…TAGGAPIN KO O ALALAY NG ARTISTA..P..A……………….WALA PO AKONG TRABAHO GRADUATE PO AKO NG COLLEGE.. BACHELOR DEGREE HOLDER PO AKO….KAHIT PAGCONSTRUCTION PINASUKAN KO NA PO..KASI KAHIT COLLEGE GRADUATE KA HIRAP MAKAHANAP NG WORK..BREAD WINNER PO AKO SA PAMILYA..SANA PO MATULONGAN NYO AKO MADAM LOLIT..MANAGER…….MAY SKYPE DIN AKO…KAHIT ALALAY LANG PO NG ARTISTA BREAD WINNER PO AKO SALAMAT PO MADAM LOLIT..

Leave a Reply

Your email address will not be published.