Giyera sa Korea, Nakaamba; Mga Pinoy sa SoKor, Inalerto

MAHIGPIT NA tinututukan ng Philippine Embassy sa Seoul, South Korea ang sitwasyon sa Korean peninsula kasunod ng deklarasyong ‘state of war’ ng Pyongyang, North Korea.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakikipag-ugnayan sila sa mga Filipino community kaugnay ng mga hakbang sakaling sumiklab ang tensyon sa nasabing lugar.

Pinayuhan din ang mga Pinoy na maging alerto.

Ang pagbabantay ay kasunod ng paglalagay sa ‘combat posture’ ng mga strategic rockets ng North Korea dahil na rin umano sa military drills sa pagitan ng Amerika at South Korea.

Samantala, full-out war naman ang sinasabing posibleng sunod na ideklara ng North Korea laban sa South Korea.

Samantala, nakatutok umano si Pangulong Noynoy Aquino sa sitwasyon sa dalawang Korea, ayon Presidential Spokesperosn Edwin Lacierda.

Ayon naman kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Sonny Coloma, nakahanda ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa anumang banta sa labas ng bansa, kabilang ang pagpapa-kawala ng missiles ng North Korea at South Korea.

Samantala, umaasa naman aniya ang Palasyo na matatapos sa mapayapang resolusyon ang sinasabing giyera sa Korean Peninsula.

“NDRRMC has a continuing contingency plan to respond to external threats, including previous missiles launched from the two Koreas. We maintain a posture of vigilance and adherence to diplomatic modes of conflict resolution.”  

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.