Giselle Sanchez, nangongopya na lang kay Allan K!

DEADMA SI KRISSA Mae a.k.a. Krista Arrieta Kleiner sa pang-intriga sa pagkakapanalo niya ng Bb. Pilipinas-International.  May tsismis kasing bago pa man ang coronation night ay naipangako na diumano sa kanya ang nasabing title.

“Ay… hindi po iyon totoo! Kasi kung ipinangako iyon sa akin, hindi na po ako nagkandahirap-hirap para mag-train at mag-practice. Siyempre, makikita rin naman po ng mga tao kung deserving ako o hindi.

“Hopefully, nakita po ng mga tao na deserving naman ako sa title ko. And for anyone who has something negative to say, I just wanna thank them. Kasi nakatulong po sila sa akin na ma-inspire ako para patunayan ko sa kanilang lahat na kaya ko. At saka may mga foreigner pong judges, mga ambassador na hindi ko naman po sila kilala.

“Kung nau-offend ako sa gano’ng pang-iintriga sa akin? Hindi po. Siguro kung wala po ako sa showbiz, baka ma-offend ako nang konti. Pero kahit papa’no po, nasanay na rin ako sa showbiz na laging may intriga.

“At sa akin, iniisip ko na lang, kung may nang-iintriga sa akin, that means, interesado sila sa buhay ko. So, thank you na lang sa kanila. Thank you for being interested in me. For talking about me. Because you’re making me popular. Ha-ha-ha!

“No. But I really hope that if you watch the pageant, I hope you could see that I deserve the title. And I’ve worked very very hard to improve myself and to be worthy of that title. So, I hope I made you a believer.”

Focused daw siya ngayon sa paghahanda niya para sa Miss International pageant. Nanonood siya ng mga DVD copies ng mga nakaraang competitions nito. At the same time, plano niyang kausapin at hingan ng advise ang mga past Ms. International winners like Melanie Marquez and Lara Quigaman.

Beauty queen na siya ngayon kaya nasa spotlinght talaga siya at mas maraming intriga. May tsismis din ngang nagli-live-in na sila ng rumored boyfriend niyang si JayR dahil madalas nga raw kasi siyang natutulog sa bahay ng huli?

“Hindi po ‘yon totoo. I mean, siyempre minsan pupunta ako sa bahay nila, kakain kami. Minsan pupunta siya sa bahay ko, tsika kami, nood ng movie. Pero hanggang do’n lang po.

“Hindi po ako natutulog sa bahay niya. Magagalit po ang nanay ko. Filipina ang nanay ko at alam n’yo naman na medyo conservative ‘yong mga Pinay na nanay.”

Ilang months na ba silang mag-on ni JayR?

“Uhm… wala kasing specific date. Alam n’yo naman po kung kailan lumabas ‘yong issue na… nagdi-date kami. Na inaamin na namin na lumalabas kami.

“Wala naman po kasing official date na… o, tayo na starting today. Basta ‘yon na po. Basta na-feel na lang namin, eh.”

Mahirap ‘yong ni walang anniversary date kung kailan naging sila, ‘di ba?

“Hindi po mahirap sa amin. Kasi from the beginning kami nag-date, kami lang talaga po, eh. And everyday is an anniversary for us.

“I feel I’m  lucky to have such a great amusing guy being so supportive and being so loving and caring,” nakangiting sabi ni Krissa Mae.

Haba ng hair!

MARAMI NA PALA ang nagsabi kay Allan K na kinokopya nang buo ni Giselle Sanchez ang kanyang mga materyal sa mga shows nito. Pero deadma lang ang pamosong stand-up comedian-TV host hinggil dito.

Hindi pa raw sila nagkikita. At wala naman umano siyang balak na kumprontahin ito. Kumbaga, pinagkakitaan na raw naman niya ang mga nasabing materyal na kinokopya ngayon ng iba. Pero sana lang daw, mag-isip rin ng pansariling materyal at hindi ‘yong umaasa na lang sa panggagaya o pangongopya.

No’ng bago-bago pa lang daw siya, medyo sensitive siya kapag nakikitang may ibang nagsi-xerox copy ng mga materyal niya. Talagang sinisita raw niya.

“Kasi kung intelihente kang performer, hindi ka mauubusan ng materyales. Ang komedyante kailangang matalino. Na mabilis ang utak mo at laging puno ng ideas para laging may bagong materyal. Kung intelihente ka, hindi ka manggagaya!” Natatawang sabi pa ni Allan.

“Minsan, hindi mo rin maiwasan talagang gumaya, eh. ‘Yong pasundot-sundot. Huwag namang buong-buo mong kokopyahin ang materyal. Kasi pinag-isipan ‘yon ng taong kinopyahan mo, eh.”

Alam mo na ngayon, Giselle… ha?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

2 thoughts on “Giselle Sanchez, nangongopya na lang kay Allan K!