Girl molested by Aljur wants to be a celeb?

AND SPEAKING OF Katrina Halili, pinabilib naman kami nitong si Cristine Reyes. Labag sa kanyang prinsipyo ang ipinagagawa sa kanyang i-spoof sa Banana Split ang kanyang kaibigan, kaya iniwasan niya ang eksena.

Tama naman ‘yong kanyang katuwiran na, hindi na natin dadagdagan pa ang sama ng loob ni Katrina Halili. Kaya nakakuha ng tunay na kaibigan si Katrina sa katauhan ni Cristine.

At dahil diyan, feeling namin, malayo ang mararating ni Cristine.

Pero sana naman, ‘wag siyang makarating sa Senado.

MADALAS DAW MAKITA si Archie Alemania na nakikipag-date sa ibang babae. ‘Yan ang nasusulat. Eh, gano’n talaga, eh.  Hiwalay na siya kay Mickey Ferriols, eh, siguro, ang kanyang paraan para mapawi ang kanyang kalungkutan ay makipagkilala sa ibang babae.

Although nu’ng huling nakausap namin si Archie, mahal pa rin daw niya si Mickey. Dahil siyempre, me anak sila. Eh, sabi namin sa kanya, saka lang siya makakahinga nang maluwag kapag nagka-boyfriend na si Mickey.

Dahil isa lang ang ibig sabihin nito, naka-move on na ang aktres sa kanilang relasyon. At ibig ding sabihin, mag-move on na rin dapat siya.

PUSTAHAN TAYO, KAYA nag-iingay ang isang nagngangalang Michelle Saludo na kinse anyos na nagrereklamong “nag-take advantage” sa kanya si Aljur Abrenica nu’ng Holy Week sa Puerto Galera, eh, dahil gusto niyang mag-artista.

Kung walang plano, maniniwala kaming hindi siya “pambansang prutas” (mangga-gamit), pero kung me kaakibat na “hidden agenda” o “ulterior motive” ‘yan, eh, ‘wag nang pagamit si Aljur.

Babae si Michelle. Dapat, nasa kanya ang simpatya namin, dahil siya ang “naisahan” kung tama ang claim niya. Pero ang ipinagtataka lang namin ay bakit nu’ng Holy Week pa pala nangyari ‘yan, ba’t ngayon lang lumabas?

Ngayon lang ba na-realize ng babaeng ito na na-violate pala ang kanyang pagkababae, gano’n ba? O, me nagturo sa kanya kung paanong makakalikha ng ingay kung gusto niyang makilala agad?

Duda pa nga ng marami, tinuruan ito ni Richard Hinola, ang kanyang manager, dahil nga, noon pa raw (hindi ako ang nagsabi, ha?) eh “gimikero” na ang naturang manager.

“Very Lito de Guzman ang style, mama!” Sey pa sa amin ng aming source.

‘Wag n’yo pong kalilimutang makinig palagi sa Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleCesar Montano and Sunshine Cruz split-up because of third party?
Next articleTago: Mambabatas, karerista

No posts to display