Ginulpi dahil ayaw makipag-sex

SA KULUNGAN maghihimas ng rehas na bakal at nagdiwang ng Valentine’s Day ang isang kelot matapos saktan ang kanyang live-in partner nitong nakalipas na Araw ng mga Puso sa Naga City.

Bitbit ang 27 pulgadang itak, pinagbantaan umano ni Marlon Arroyo ang kanyang live-in partner na papatayin.

Hindi pa nakuntento ang suspek at sinaktan pa umano nito ang karelasyon na naging daan upang magsumbong na ang babae sa mga kinauukulan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa matapos tumangging makipagtalik sa suspek ang kanyang karelasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.