Ginto at Diamante, Ugat ng Quezon Shootout

BUKOD SA sigalot sa Jueteng at iba pang iligal na sugal sa Southern Tagalog, mga ginto at diamante rin umano ang posibleng ugat ng sinasabing engkwentro na ikinasawi ng 13 sa Atimonan, Quezon noong Linggo.

Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na  may bitbit umanong 12 kilo ng ginto at 24 na diamond na tinatayang nagkakahalaga ng P100 milyon ang grupo ng mga napatay na sina Victorino “Vic Siman” Atienza at Superintendent Alfredo Consemino na galing sa Panganiban, Camarines Sur.

Una umanong hindi nagkasundo si Vic Siman at mga negosyante ng ginto kaya’t isinama si Consemino na naging guarantor sa bentahan ng ginto at diamond.

Nagsilbi rin umanong escort ang grupo ni Consemino kay Vic Siman at dadalhin sana ang mga ginto at diamante sa Calamba, Laguna kung saan magbabayad ang kanilang buyer na kinilala sa alyas na “Lahara”.

Sinasabing isang opisyal ng pulisya ang nag-atas sa grupo ni Superintendent Hansel Marantan at mga sundalo na maglatag ng checkpoint sa Atimonan, dahil sa pangambang ido-double-cross sila nina Vic Siman.

Sinabi naman ng mga sakay ng isa pang SUV na nakaligtas sa umano’y engkwentro na mga sundalo ang unang nagpaputok sa grupo nina Siman at Consemino.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.