Ginastos ng AFP sa Zambo, Ipaa-Account

TINIYAK NG Palasyo na maa-account ang lahat ng mga ginastos sa operasyon ng pamahalaan sa Zamboanga siege.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, matatagalan pero pagpapaliwanagin nila ang AFP sa mga inilaang pondo.

Sinabi ni Lacierda na kabilang sa mga ia-account ng AFP ang ginamit na bala, pagkain at supply ng mga sundalo, intelligence gathering at iba pang pinondohan.

“It will take time but we will ask AFP if they will be able to measure all the expenses made. But, certainly, if it’s requested we will ask them,” ayon kay Lacierda.

Samantala, bahala na raw ang mga mambabatas sa hirit na ilagay sa intelligence fund ng AFP at PNP ang P200 mil-

yong  pork barrel funds ni Vice President Jejomar Binay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.