Ginang, Sumama sa Kalaguyo, Kulong

KULONG ANG isang ginang matapos sumama sa kalaguyo sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong adultery sina Eufemia Seroma, 41, ng Ligtong 111, Rosario, Cavite at Dennis Ramirez, 39 ng Apugan St., Tangos, Navotas.

Sa pahayag ng asawa ni Eufemia na si Ronald, 40, noong nakalipas na Marso 5 ay umalis ang una sa kanilang bahay at hindi na bumalik.

Nakatanggap ng impormasyon si Ronald na sumama ang asawa kay Ramirez sa Navotas at namumuhay na mag-asawa na.

Alas-5 kamakalawa ng hapon ay humingi ng tulong sa mga pulis si Ronald at nang puntahan ang bahay ni Ramirez ay nakita si Eufemia na nakikipaglampungan pa sa kalaguyo na naging dahilan upang dalhin sa presinto at sampahan ng nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.