Ginang pisak sa tanker ng Manila Water

PISAK ANG ULO at agad na binawian ng buhay ang isang ginang matapos na masagasaan ng isang tanker na pag-aari ng Manila Water kamakalawa ng umaga sa Marikina City.

Kinilala ni Marikina City Traffic chief P/C. Insp.Ronald Girao ang biktima na si Margie Roxas, may-asawa, residente ng # 453 JP Rizal St., Brgy. Sto. Niño ng nasabing lungsod.

Kusang loob naming sumuko sa pulisya ang driver na si Romeo Torrena, 43 anyos, residente naman ng # 44 Lunduyan, Batasan Hills, Quezon City.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga sa kahabaan ng JP Rizal St., kanto ng Ming Ramos Lane, Brgy. Sto Niño.

Nabatid na tumatawid ang ginang sa pedestrian lane kasama ang kanyang apo nang biglang umabante ang Hyundai tanker truck na may plakang SFX-404 na minamaneho ni Torrena.

Ayon kay Torrena hindi niya napansin ang ginang dahil bigla silang binigyan ng go signal ng traffic enforcer kung kaya’t naipit ang ito sa kaliwang gulong.

Ang nasabing tanker ay gamit sa pagsipsip sa mga human waste at burak na nakabara sa mga imburnal.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang iniha-

handang kaso ng pulisya sa suspek na pansamantalang nakadetine sa Marikina Police detention cell. (GIGI CONVOCAR


Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.