Ginang, pinilahan sa tagayan

 

PINILAHAN ANG isang 41-anyos na ginang ng kanyang tatlong kalalakihang kapit-bahay matapos ang tagayan sa kanilang bahay sa St. Francis Subd., Barangay Pandayan, Meycauayan City, Bulacan kamakailan.

Batay sa ulat na nakarating kay P/Supt. Hector Samar, nakipaglaro muna ng baraha sa mga salarin ang biktima hanggang sa magkainuman sa bahay ng isa sa mga suspek at nang malasing ay sinimulang pilahan at pagsawaang pagsamantalahan ang nasabing ginang na hindi na pinangalanan.

Agad namang nahuli ng mga awtoridad ang dalawa sa tatlong suspek na sina Vic Labo, 35; at Ronaldo Carreon, 39, habang tinutugis naman ang isa pang suspek na alyas Kevin. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.