Ginang, Pinatay Matapos Pagnakawan

ISANG MATANDANG babae ang natagpuang walang buhay makaraang magtamo ng maraming tama ng saksak bago pagnakawan ng mga hindi nabatid na dami ng suspek sa loob ng bahay ng biktima sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Elena Pamor, nasa hustong gulang, may-asawa, walang hanapubuhay, at residente ng Block 11, Lot 19, Phase 3B, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Alcee Clemente Jomaquio, may hawak ng kaso, dakong alas-10:30 ng gabi nang matagpuan ang malamig na bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito sa nasabing lugar.

Ayon kay Danilo Balancio, 47, bayaw ng biktima, apat na araw na niyang hindi nakikita ang biktima na nani-nirahang mag-isa sa kanyang inuupahang kuwarto, kung saan ay kaagad siyang nagsadya sa tanggapan ng pulisya upang humingi ng police assistance.

Agad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar nang pinangyarihan ng insidente kasam ang ilang miyembro ng Scene of th Crime Operative (SOCO) ng Northern Police District (NPD) at agarang nagsagawa ng imbestigasyon.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay nagtamo ng maraming tama ng saksak sa leeg at katawan, ang mga damit at mga kagamitan ng una ay nagkalat sa loob ng kanyang kuwarto at nawawala rin ang pera at alahas ni Pamor.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ang Caloocan PNP ng follow-up operation para sa ikadarakip ng mga suspek sa lalong madaling panahon.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.