Ginang, patay sa diarrhea; 2 anak, grabe

 

ISANG GINANG ang nasawi habang ginagamot pa sa ospital ang dalawa nitong anak matapos makaranas ng sobrang pagdudumi o diarrhea.

Tinukoy ang biktimang si Angie Lanang, habang nasa pagamutan pa rin ang dalawang nitong anak na sina Denise at Christoper na naka-tira sa Barangay New Launion, Maitum, Sarangani province.

Ayon sa pahayag ni Samuel Lanang, ang kabiyak ng biktima, nakaranas umano ng matinding pananakit ng sikmura ang kanyang asawa at diarrhea.

Ang mga biktima, maging ang nasawing ginang ay nakatira malapit sa Pangi River, kung saan pinaniniwalaang doon nagmumula ang inuming tubig ng pamilya.

Kaagad namang umak-syon si Mayor Elsie Perret at pinapuntahan ang nasabing lugar at pinagamot ang mga nabiktima at malaman kung paano nagsimula ang sakit.

Inaalam na rin ng awtoridad kung kontaminado ba ng bakterya ang tubig na iniinom ng nabiktimang pamilya at mga residente.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.