Ginang patay, 12 pa sugatan sa bumaligtad na jeep

PATAY ANG ISANG ginang nang bumaligtad ang kanyang sinasakyang jeep sa Gov. Fuentebella Highway sa Naga City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame,  kinilala ang biktima na si Leny Quingkin, 24-anyos, may-asawa at residente sa bayan ng Pili.

Pasado alas-2 ng hapon noong Sabado nang maganap ang insidente sa nasabing kalsada at sa hindi malamang dahilan ay nawalan ng kontrol ang driver ng jeep na si Randy de Juan saka bumaligtad ang nasabing sasakyan.

Dahil sa matinding mga sugat na natamo, namatay ang biktima habang 12 na pasahero pa ang napaulat na nasugatan sa insidente at ginagamot sa Bicol Medical Center.

Pinaghahanap naman si de Juan na umano’y tumakas makaraan ang trahedya. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Ginang patay, 12 pa sugatan sa bumaligtad na jeep

  1. Pingback: Jeep doors reported stolen | Jeep videos, reviews, data, repair and maintenance tips

Leave a Reply

Your email address will not be published.