Ginang, Patay; 1, Kritikal; 3, Sugatan sa Pananambang

PATAY ANG isang ginang habang sugatan ang asawa at dalawang kasakay sa kotse matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo, kung saan kritikal ang isa pa na tinamaan ng ligaw na bala sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Fatima Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Marie Christine Gamboa, 34.

Nadaplisan naman ng bala sa katawan ang asawa ng biktima na si March Gamboa, 34 at ang abogadong si Emerson Barrientos at si Reynate Carobio.

Inoobserbahan naman sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo si Danton Mansera.

Sa ulat, alas-9 ng umaga, minamaneho ni March ang kotseng Subaru at nasa passenger side ang asawa habang nasa likod ang tatlo pang kasama at pagsapit sa Villa Liwayway, Maysan ng lungsod ay pinagbabaril ng mga suspek ang kinauupuan ng ginang.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motosiklong hindi na nakuha ang plaka.

Nahagip ng ligaw na bala ang naglalakad na si Mansera na naging dahilan upang dalhin sa VGH habang nagawang madala ni March ang kotse sa FMC.

Nabatid na galing sa hearing sina Gamboa ma-tapos may sampahan ng kasong Estafa at kinuhang abugado si Barrientos.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.