Ginang, Nagpakamatay Dahil sa Pera

 

NAGPASYANG WAKASAN ng isang ginang ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti matapos ang mainitang pagtatalo sa kanyang ka-live in kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si Jennifer Martinez, 37, ng No. 328 Champaca St., Brgy. 158, Caloocan City.

Sa ulat na nakarating kay SP04 Romeo Acebuque, PCP-Commander, Caloocan Police, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabigti sa sala ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Bago ang insidente, nagtatalo ang biktima at ang live-in partner nito na si Wilmar Oliveros, 21, hinggil sa pera at para hindi na humaba ang pagtatalo, iniwan ni Oliveros si Martinez .

Hanggang sa nakita na lamang ito ng kanilang mga kapitbahay na naka-bigti gamit ang lubid.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya upang alamin kung tunay na nagpakamatay ang biktima o kung may naganap na foul play sa naturang insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.