Ginang, Nagbigti; Mister, Nagwala, Nagtangka Ring Magpakamatay

NAKABITIN NA sa lubid ang isang 29-anyos na ginang  nang madiskubre ng lasing na mister sa kanyang pag-uwi na isinugod pa sa ospital subalit hindi na umabot pang buhay sa Sta. Ana, Maynila, kamakailan ng madaling-araw.

Sinabi ni PO3 Jupiter Tajonera ng MPD-Homicide Section na kinilala ang misis na si Ruby Bedonio, ng Lotus St., Sta. Ana, Maynila. Isinugod siya sa ospital ng mister nito na si  Ricky Bedonio, alyas “Potpot”, 27, dakong alas-2:40 ng madaling-araw ng Miyerkules.

Nabatid na nakikipag-inu¬man sa labas ng bahay ang mister at nang pumasok ay doon nito natuklasan ang ginawang pagbibigti ng ginang.

Matapos isugod sa ospital at nang mabatid na patay na ang asawa ay doon na nagwala si Ricky na nakitang may hawak ng basag na salamin na isinaksak sa sariling leeg.

Mabilis naman na pinigilan ng mga hospital staff  at security guard ng pagamutan ang mister at itinali ito sa kama ng ER habang nagpupumiglas.

Samantala, lumalabas pa sa report na madalas pag-awayan ng mag-asawa ang kahirapan sa buhay dahil walang permanenteng trabaho ang mister na madalas pang uminom ng alak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.