Ginang, Nabiktima ng Budul-Budol

NAGREKLAMO SA mga awtoridad ang isang ginang na nabiktima ng budul-budol gang habang nasa pawnshop sa San Fernando, La Union.

Nagpakilala ang natu-rang biktima na ni Rebeca Manangan, 39, residente ng Barangay Baraoas Sur, Naguilian, La Union.

Base sa salaysay ng ginang, nasa pawnshop ito nang lumapit umano sa kaniya ang tatlong babae para humingi ng tulong para sa kasamahan nilang buntis.

Naniniwala ang ginang na habang nakikipag-usap ito sa mga kawatan ay tila na-hipnotismo umano siya kasabay ng pagbibigay nito ng pera na P5,000 kapalit ng dalawang singsing na bigay naman nga mga salarin.

Samantala, naibigay din ng ginang ang pares ng kuwintas at hikaw nito na nagkakahala ng P7,600.

Huli na nang mapagtanto nito na nabiktima siya ng budol-budol gang makalipas ng isang oras na wala na ang mga kawatan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.