Ginang, Nabagsakan ng Higanteng Billboard

ISANG BABAE ang dinala sa pagamutan matapos mabagsakan ng higanteng billboard sa may bakanteng lote sa northbound ng North Luzon Expressway (NLEx) sa Caloocan City sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan, Linggo ng hapon.

Ayon kay Ferdinand del Rosario, Caloocan police deputy chief for operations, pag-aari ng Asiaworld Advertising Incorporated ang billboard na bumigay sa may bahagi ng Barangay 160, Libis, Caloocan.

Sinabi naman ni Margarita Sebastian, secretary ng Barangay 160 na advertisement ng isang brand ng sapatos ang nakalagay sa billboard na may sukat na 60 by 80 meters na bumagsak sa bakanteng lote.

Nangyari ang aksidente sa kasagsagan ng malakas na hangin at ulan na may kasamang yelo.

Nakauwi naman si Ginang Rosalinda Zacarias mula sa pagamutan matapos bumaba ang kanyang blood pressure.

Nagka-alta presyon pa ang ginang nang mangyari ang insidente dahil malapit lamang sa mga dikit-dikit na barong-barong ang pinagbagsakan ng billboard.

Samantala, ipinatitigil muna ng pamahalaang lungsod ang pagbaklas sa mga bakal ng higanteng billboard para imbestigahan ang sanhi ng pagbagsak nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.