Ginang na may topak, niluray ng Brgy. Kagawad

PINAGSAMANTALAHAN NG isang kagawad ng barangay ang isang ginang na may problema sa pag-iisip sa bayan ng Bani, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Richard Dakuna, residente ng San Miguel sa naturang bayan.

Naabutan pa ng anak ng biktima na nakapatong ang salarin sa kanyang ina habang hinahalay.

Dahil sa nasaksihan, agad sinunggaban ng anak ang kagawad at ipinakulong.

Sa ginawang medical examination sa nasabing ginang, lumalabas na posi-tibo itong ginahasa.

Kahit naman bistado na ay itinanggi pa rin ng suspek ang paratang.

Samantala, sinampahan na ng kaukulang kaso ang barangay kagawad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.