Ginang na May Kapansanan sa Pag-iisip, Hinalay ng Kapit-bahay

KULONG ANG isang lalaki matapos maaktuhan ng anak ng hinahalay na ginang na may kapansanan sa pag-iisip sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Agripino Villanueva, 49, ng M.B.A. compd., Bagumbong ng lungsod.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, lasing ang suspek at pinasok ang bahay ng biktimang edad 46 at nang makita ay hinalay na.

Pumasok sa bahay ang anak na lalaki ng biktima at nang makita ang ginagawa ng suspek ay mabilis na lumabas sabay hingi ng tulong sa mga barangay tanod na naging dahilan upang respondehan.

Hindi na pumalag ang suspek nang dakpin at dalhin sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.