Ginang, kulong sa pambubugaw ng menor de edad

KULUNGAN ANG KINABAGSAKAN ng isang ginang matapos itong hulihin ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng pambubugaw ng isang 15-anyos na dalagita kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police at nakahanda na rin sampahan ng kaukulang kaso Caloocan City Prosecutor’s office ang naarestong suspek na si Lolit Rivera, 35, ng # 139 Acab St., Brgy., 17 ng nasabing lungsod.

Sa reklamo ni Jopay (di-tunay na pangalan) 15, ng Caloocan City, sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk-Caloocan police, dakong alas-4 ng madaling-araw, naglalakad ito sa kahabaan ng Grace Park ng naturang lungsod, nang lapitan ito ng suspek.

“Sabi niya po sasamahan niya akong pauwi sa aming bahay na sinabayan ko naman po siya hanggang sa ipinakilala niya ako sa isang lalaki,” ani pa ni Jopay.

Dito, natunugan ng biktima ang balak ng suspek kung kaya’t mabilis itong kumalas kay Rivera at tumakbo pauwi sa kanilang bahay saka isinumbong sa ina ang pangyayari.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang ina ni Jopay at sinamahan nito ang anak sa nasabing himpilan ng pulisya upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek na nagresulta ng agarang pagkakadakip nito.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.