Ginang Kulong sa Pagpapatakas sa Asawang May Kaso

KULONG ANG isang ginang nang patakasin ang asawang may kaso habang aarestuhin ng mga pulis sa loob ng bahay ng mga una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Obstruction of Justice si Amelia Hangibay, 21 ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.

Base sa ulat, alas-10 ng gabi, pinuntuhan ng mga pulis ang bahay ng mga Hangibay matapos makumpirmang nasa loob ang asawa ni Amelia na si Alfie na may kasong murder.

Sinalubong ni Amelia ang mga pulis at ayaw papasukin na naging dahilan upang makatakas ang asawa na dumaan sa iba pang pinto ng bahay.

Dahil dito, isinama sa presinto si Amelia at sinampahan ng nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.