Ginang, Kulong sa Bato

KULONG ANG isang ginang matapos makuhan ng Shabu ng mga pulis habang ang una ay papalabas sa eskinita na target ng mga huli sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Flordeliza Gozon, 34 ng A. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Sa ulat, alas-2 ng hapon, magsasagawa ng entrapment operation ang mga pulis sa isang alyas Madam sa nasabing lugar.

Nakita ng mga pulis ang suspek na nagmamadaling papalabas ng eskinita kung saan nakatira si Madam at nang kapkapan ay nakuhanan ng isang sachet ng Shabu.

Agad na dinala sa presinto si Gozon, kung saan nakatunog si Madam na agad namang naglaho.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.