Ginang, Kritikal sa Tsismisan

KRITIKAL ANG isang ginang matapos saksakin ng kapitbahay makaraan ang pagtatalo nang kumprontahin ng huli ang una na nagpapakalat umano na may ibang lalaki ang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng saksak sa kaliwang kili-kili si Urdas Ritchell, 28 ng Yakal St., Barrio San Isidro, Tala ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Juvy Soriano, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, pinuntahan ng suspek ang biktima at kinumpronta sa tapat ng bahay ng huli dahil si Ritchell umano ang nagpapakalat na may ibang lalaki si Soriano.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang biktima at suspek hanggang sa bunutin ng huli ang dalang patalim at isaksak sa una bago tumakas.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.