Ginang, Kritikal sa Pamamaril

SUGATAN ANG isang 53-anyos na ginang makaraang barilin ng hindi nakikilalang lalaki sa Batangas kahapon.

Kinilala ni Tanauan City police chief Supt. Manuel Manalo ang biktima na si Josephine Macandili ng Brgy. 7, Batangas City.

Sa paunang ulat na nakarating sa Camp Crame, ginaganap ang class reunion ng Batch ‘98 sa Tanauan City Gymnasium kung saan tumatayong coordinator si Macandili.

Bigla umanong duma-ting ang lalaki at binaril ang biktima.

Isinusulat ang balitang ito, as of 2:00 PM kahapon, ay nananatili sa Intensive Care Unit ang biktima sa hindi tinukoy na ospital.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.