Ginang kritikal sa maingay

MALUBHANG NASUGATAN ANG isang ginang matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspek nang sitahin ng una ang pag-iingay ng huli sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Jose Rodriguez Memorial Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa katawan si Rechelle Into, 27, ng Sitio Pulo, Tanza ng lungsod.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, nagising sa pagtulog ang biktima sa loob ng kani-lang bahay nang makarinig ng maingay sa labas.

Nilabas ng biktima ang maingay at pinagsabihang tumahimik subalit nagalit ang suspek sabay labas ng patalim at pinagsasaksak si Into.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.