Ginang, inatado ng live-in partner

PINAGSASAKSAK NG isang lalaki ang kanyang live-in partner nang mauwi sa argumento ang kanilang inuman sa lalawigan ng Masbate.

Kinilala ang biktima na si Ermilina Libot, 40 anyos, habang tumakas ang live-in partner nito na si Henry Abaner, tubong-Negros Occidental.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa loob ng taha-nan ng mag-asawa sa Brgy. Buenavista sa bayan ng Uson sa nabanggit na lalawigan.

Nabatid na madalas na umiinom ang mag-asawa kasama ang kanilang mga kaibigan subalit kapag kapwa nalasing ay nag-aaway.

Pinakahuling away nila ang kamakalawa na nauwi sa pananaksak ni Abaner kay Libot.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.