Ginang, Ginahasa ng 2 Mister sa Harap ng Natutulog na Asawa

KULONG ANG dalawang mister matapos pasukin at halayin ang natutulog na ginang malapit sa asawa sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Nolito Quitalig, 37; at Jovani Polloso, 35, kapwa ng PNR Cmpd., ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 26, alas-3 ng umaga nang magising niya matapos tabihan ng mga suspek habang natutulog ang asawa sa hindi ka-layuan.

Pinagbantaan ng mga suspek na papatayin ang asawa ng biktima kapag pumalag na naging dahilan upang magpaubaya ang ginang.

Nang kapwa makaraos ay lumabas na ng bahay ang mga suspek subalit kinaumagahan ay nagsumbong ang biktima sa kanyang biyenan.

Sinamahan ang biktima sa presinto at ipinadakip ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.