Ginang, bugbog-sarado sa selosong kabit

BUBOG-SARADO ANG 35-ANYOS na ginang sa selosong kabit na adik nang umuwi itong lango sa alak at droga sa loob ng kani-lang tahanan sa Angono, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Rizal PNP Provincial Director, Sr. Supt. Manuel Cesar Prieto, ang arestadong suspek na si Dandy Nolasco, 34, at halos magsara naman ang mga mata ng live-in partner nito na kanyang ginulpi na itinago sa pangalang Elma, 35, kapwa nakatira sa Molave St., Brgy., San Vicente ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ni P03 Roy Panotes, dakong 7:30 ng gabi nang mangyari ang panggugulpi ng adik na suspek sa kinakasama nang umuwi itong lango umano sa alak at droga.

Naungkat ang umano’y pagseselos ng akusado sa kanyang live-in partner nang tumanggi umano ang ginang na magtimpla ng kape sa asar na lagi na lamang barkada, alak at droga ang linya ni Nolasco.

Dahil dito, naungkat ang matagal nang kimkim na selos ng lalaki sa kinakasama kaya’t nagtalo ang dalawa na nauwi sa pagbunot ng baril ng akusado na itinutok sa noo ng ginang saka ginulpi.

Wala umanong nagawa ang babae kundi tangga-pin ang suntok at tadyak ng senglot na live-in partner ngunit nang makatiyempo ito ay kumaripas ng takbo palabas ng bahay.

Humingi ng saklolo sa pulisya ang biktima na ikinadakip ng suspek kung saan nakuhanan pa ito ng ilang sachet ng droga sa bulsa.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.