Ginang, Bugbog-Sarado sa Lasenggong Ka-Live In

SWAK SA kulungan ang la-sing na kelot matapos tadyakan ang ka-live-in sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Zaldy Rosiada, 39 ng Kaunlaran Village ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Alma Amiral, 32 ng nasabing lugar, alas-7 ng gabi, umuwi sa kanilang bahay ang suspek na lasing at walang salitang tinadyakan ang una.

Namilipit sa sakit ang biktima at nang mahimasmasan ay nagpunta sa barangay at ipadakip ang suspek.

Nabarid pa sa biktima na madalas siyang saktan ng ka-live-in lalo kapag lasing.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.