Ginang, Bugbog ng Selosong Shooter

BUGBOG-SARADO ANG inabot ng isang ginang mula sa selosong asawa na miyembro umano ng Philippine Practical Shooter Association sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Pinaghahanap naman si Eddie Gale, 33 ng Capak St., ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Mary Grace Gale, dakong alas-11 ng umaga, nagtatalo sila ng suspek sa loob ng kanilang bahay dahil may pinagseselosan ang huli.

Nang magkainitan ay biglang pinagsusuntok ng suspek ang asawa na naging dahilan upang magdugo ang mukha.

Ilang kapit-bahay ang humingi ng tulong sa mga barangay tanod subalit nag-alinlangan na respondehan dahil alam na may baril at asintado ang suspek.

Nagkaroon ng pagkakataon na makalabas ng bahay ang biktima na agad na nagpunta sa presinto at humingi ng tulong sa mga pulis.

Nang respondehan ay nakaalis na at nakatakas ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.