Ginang at 2 Pamangkin, Kritikal sa Selosong Lover

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang ginang at ang dalawa nitong pamangkin makaraang pagsasaksakin ang mga ito ng ka-live-in ng una nang magselos ang huli kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isinugod sa Jose Rodriguez Tala Hospital Caloocan City, sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Edwina Borromeo, 41; Angelica Ibag, 17; at Jasper Cabinte, 4, pawang mga residente ng Phase 6, Purok 2, Bgy. 178 Camarin, Caloocan City.

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan police at nahaharap sa kasong Multiple Frustra-ted Murder in relation to RA 9262 at RA 7610 ang suspek na si Constancio Antillon Jr., 35, construction worker, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi, nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay sina Borromeo at Antillon kasama ang ilang kaanak nang magselos ang suspek.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang pagseselos ng suspek hanggang sa pinalayas ito sa kanilang bahay ng biktima, na agad naman itong tinalikuran ng suspek subalit pagbalik nito ay armado na ng patalim at sinugod ng saksak si Borromeo.

Hindi pa nakuntento ang suspek, nang makita nito ang pamangkin ni Borromeo na sina Ibag at Cabinte ay pinagsasaksak rin nito.

Ayon naman sa anak ni Borromeo na si Daisy, 17, narinig nito na umiiyak si Cabinte kung kaya’t agad nitong tinungo ang kinaroroonan at dito, tumambad sa kanyang harapan ang mga duguang biktima ganu’n din ang suspek hawak ang patalim at puro dugo ang kamay nito.

Humingi ng tulong si Daisy sa kanyang mga kaanak sa loob ng bahay at isinugod sa naturang pagamutan ang biktima subalit agad ding inilipat sa East Avenue Medical Center, Quezon City ang mga ito sanhi ng matin-ding pinsalang tinamo.

Hindi naman nagawa pang makatakas ni Antillon sa mabilisang pagresponde ng mga awtoridad at agad itong dinala sa nasabing himpilan ng pulisya at sinampahan ng nabanggit na kaso sa piskalya.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.