Ginamit ang Pangalan ni Binay: Bigtime Swindler, Nakalaya

NAKALAYA NA matapos makapagpiyansa ang pinaniniwalaang bigtime swindler na gumagamit sa pangalan ni Vice-President Jejomar Binay sa mga transaksyon nito.

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Cristita Tortogo ng Bago City, Negros Occidental noong nakaraang linggo dahil sa kinakaharap nitong two counts of estafa sa Makati City Regional Trial Court Branch 66 at isang count ng estafa at falsification of public documents sa Bacolod City Regional Trial Court Branch 42.

Nagbayad ito ng P30,000 bawat count ng estafa o kabuuang P60,000 sa Makati RTC at nagbayad din ng dagdag na P20,000 ngunit hindi na sinabi ng NBI kung para saan ito.

Samantala, P40,000 naman ang ibinayad ni Tortogo sa Bacolod City RTC.

Samantala, napag-alaman sa pagsisiyasat ng NBI na noong 2012, nagpakilala si Tortogo na malapit sa Office of the Vice-President at pinaasa ang mga biktima nito na makakapagbigay ito ng housing projects para sa mga contractor.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.