Ginamit ang closeness nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz: John Prats, naunang nangaliwa? – Ogie Diaz

MAY NAGTSIKA SA amin, true ba ‘to? Na ginamit lang daw ni John Prats ang pakikipag-close ni Shaina Magdayao ke John Lloyd Cruz para sabihin daw ni Pratty na may third party involved!

Pero ang totoo raw ay si Pratty ang unang “nangaliwa”?

Hindi muna namin huhusgahan si John, pero itatanong namin sa kanya: totoo ba ‘to?

PANGARAP NI VICE Ganda na magkaroon ng solo billboard along EDSA, kaya one of these days, ang pangarap niya ay matutupad na.

Kung anong produkto ‘yon? Hindi po p’wedeng i-preempt, dahil pagagalitan kami.

Mula nu’ng makilala nang husto si Vice Ganda sa Showtime ay bumongga nang husto ang kanyang career.

At ang nakakalokah, me mga gusto nang magpa-manage sa amin.

Eh, kami nama’y naniniwala na dapat, merong dating at talent ang alaga mo. Dahil kung ang habol mo lang ay dapat kilala rin ang manager mo para makilala ka rin eh, nagkakamali ka.

Si Vice, talented at napapanahon ang kanyang galing, kaya patok na patok sa masa ang kanyang arrive.

Kalokah nga ang ibang bading, gusto na ring maging kamukha ng kabayo na siyang claim to fame ni Vice Ganda.

BLIND ITEM: NAKAKATAWA ‘yung isang bading na katsika namin. Nahada raw kasi ng isa niyang friend ang isang guwapong aktor. Kaya lang, dismayado raw ang friend niyang bading.

Bakit daw?

Eh, pa’no kasi, super disappointed ang bading, dahil ang tagal daw bago naulit. At nito ngang huli, imbes na ma-excite dahil na-miss, nasuya!

“Bakit tumaba ka? Anong nangyari sa ‘yo at para kang napabayaan sa kusina? Juice ko, ang liit na nga niyan, lalo pang lumiit dahil sa tiyan mo!”

Sagot daw ng aktor, “Hayaan mo na. Halik ko naman ang na-miss mo, eh. Sibasib na lang ang gagawin ko sa ‘yo!”

Na-excite na rin daw ang bading sa dayalog ng aktor, kaya panalo pa rin pala. Hahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

4 thoughts on “Ginamit ang closeness nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz: John Prats, naunang nangaliwa? – Ogie Diaz

  1. Oo, nga? Pag nag-blind time ka na walang clue, eh, dapat kang ipakain sa leon!

  2. kuya ogie wala daw third party involve kaya tigilan na po yan… mahal na mahal ni john at shaina ang isat isa kaya I dont think na may mangangaliwa sa kanila atsaka kung nangaliwa nga si john eh bakit nung birthday ni shaina eh pinagsigawan pa niya sa vtr na mahal na mahal niya si shaina tsk tsk …

  3. Ogie..kaya nakipag hiwalay c pratts…pano lalaki din ang gus2 nya…aminin mo puta ka…kundi sampalin kita mismo sa loob ng ABS CBN compound….hahahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published.