GINALINGAN: First-ever action film ni AJ Muhlach na ‘Double Barrel’, maganda ang feedback!

AJ MUHLACH

MAGANDA ang feedback sa kauna-unahang action film ni AJ Muhlach na Double Barrel: Sige Iputok Mo with Phoebe Walker as his leading lady na idinirek naman ni Toto Natividad.

“Salamat at maraming nagkagusto. Nu’ng una, kinabahan talaga ako, pero buti naman maraming natuwa sa pelikula,” sabi ni AJ.

At dahil sa magandang review sa Double Barrel na showing ngayon, nabawasan ng konti ang nararamdamang pressure ni AJ bilang half-brother ni Aga Muhlach.  

“May pressure talaga pero di ko siya naiisip, unconsciously siguro. Ngayon ko lang na-realize na siyempre Muhlach. Kumbaga, kailangan may ma-achieve ka na something.

“Mas internal siya, eh, sa family, yung iniisip ko na gusto kong may mapatunayan sa mga kamag-anak ko, na kaya ko, ganyan. Na kumbaga, kaya ko ring umakting ng ganyan.

“Mas sa acting ako na-aano, eh, hindi naman do’n sa fame. Mas don ako napi-pressure, eh,  na, ‘Paano nagagawa ni Kuya Aga yan? Paano umiiyak yan sa mga eksena niya?’ Ako, parang gusto ko ring magawa yon,” paliwanag niya. 

Kasama nina AJ at Phoebe sa Double Barrel sina Jeric Raval at Ali Khatibi.

 

 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

One thought on “GINALINGAN: First-ever action film ni AJ Muhlach na ‘Double Barrel’, maganda ang feedback!

Leave a Reply

Your email address will not be published.