Ginagawa na ang lahat para makabuo Tuesday Vargas, ‘di pa rin mabuntis-buntis!

MASAYAHIN TALAGANG kausap itong si Tuesday Vargas. Nitong huli namin siyang nakakuwentuhan, inusisa namin kung totoo bang buntis na ito sa anak nila ni Koi. Kasi nga delayed daw ito sa kanyang buwanang dalaw. Pero ang sagot niya sa amin, hindi pa raw siya buntis. May hormonal imbalance lang daw siya kaya minsan nagkakaroon ng delay ang kanyang menstruation.

Pero matagal na raw talagang gusto nilang magkaroon ng anak ng asawa. ‘Yun nga lang, subsob naman siya sa trabaho, pero ginagawa raw nila ang lahat para makabuo. Well sana this year na ‘yan mare at ‘yan ang wish namin for you!

 

SA PICTORIAL ng Game ‘N Go, ang bagong game show ng TV5, nakausap namin si Shalani Soledad habang inaayusan pa lang ito ng kanyang buhok. Agad naming kinumusta sa kanya ang nangyaring honeymoon nila ni Congressman Roman Romulo sa Europe.

Sabi niya, “Bitin, pero enjoy. Four days kami sa Paris, France at four days din sa Rome.”

Inikot daw nila ang mga attraction sa lugar at sa Rome daw ay masuwerte silang nagkaroon ng papal audience. Kahit man daw malayo sila kay Pope Benedict ay feeling nila, na-bless ang kanilang pagsasamang mag-asawa dahil nga nakita nila ang Santo Papa.

Sa ngayon ay abala sina Mrs. Romulo at iba pang kasama niya sa bagong game show ng Kapatid Network.

Nakatakdang umere on March 10, ang Game ‘N Go at malalaking paparemyo raw ang ipapamigay nito araw-araw.

 

BALIK-NOONTIME AT gameshow ang komedyante at TV host na si Arnell Ignacio. Matagal na ring kinasasabikan ng kanyang mga tagahanga ang nagpasikat ng GoBingo noon sa GMA-7 na si Arnelli na sobrang lumutang ang galing sa hosting.

Muli naman niyang makakasama si Edu Manzano sa bagong gameshow ng Singko na Game ‘N Go na nakasama na rin niya noon sa isang noontime show ng ABS-CBN.

Sabi ni Arnelli, hindi sila makikipagkumpetensiya sa mga kalabang noontime shows dahil game show ang Game ‘N Go at puro malalaking papremyo ang nakahanda nilang ipamigay.

Excited na rin si Arnelli na makasama sina Shalani Soledad, Gelli de Belen at marami pang iba sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang show sa March 10, 11:30 ng umaga hanggang 2 ng hapon.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Ginagawa na ang lahat para makabuo Tuesday Vargas, ‘di pa rin mabuntis-buntis!

  1. as if naman sisikat ang Go bingo game??? hahahahahaha! ang it’s showtime nga, hindi natalbugan ang eat bulaga, yan pang bagong noontime show ng tv5 na forever number3? hahahaha tapos mga hosts nila mga tapon ng ibang networks! hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.