Gina Pareno, pinauso ulit ang mga bidang may edad – Fernan de Guzman

DAHIL NGA SA tinamong magandang tatak at kasikatan ng teleseryeng Tayong Dalawa, nagkaroong ng mga bonggang career ang nagsiganap dito. Halos in demand sila ngayon sa TV at pelikula.

Isa na nga rito ay si Gina Pareño na mas kilala ngayon bilang “Lola Gets” na sobrang dami ng offers ngayon  na TV shows at indie films.

Binuhay nga ang movie niya dati noong 80’s na Working Girls under Viva Films.

May titulong Working Girls 2010 ang latest movie project niya ngayon. Kasama rin siya sa movie nina Aga Muhlach at Regine Velasquez.

Ibig sabihin, mukhang nauuso na rin dito sa Pilipinas na ang mga bida ay ‘yung mga may edad na. At habang nagkakaedad, mas gumaganda ang mga career.

Sabi pa nga ni Lola Gets, wish niyang magkaroon ng isang regular sitcom. Gusto pa rin daw niya kasing mag-comedy.

Sa mga ‘di pa nakaaalam, nominated po sa Star Awards For TV bilang Best Drama Actress si Gina para sa Tayong Dalawa.

“A-attend ako diyan, kahit hindi bongga ang suot ko,” sey niya.

BLIND ITEM #1: ISANG fresh na fresh na tsika ang nakarating sa amin kamakailan lang at ito ay tungkol sa dalawang sikat na personalidad. Sanggang dikit ang dalawang ito dahil nga sa lahat na yata ng kanilang mga lakad ay makikita mo silang magkasama.

Sabi nga, parehong mahilig sa girls kung bakit nga mas nagkakasundo sila. Parehong nali-link sa kung kani-kaninong artista ang dalawa.

Ang latest ngang tsika na nakarating sa amin, iisa ng taste sa babae ng magkaibigan.

Aba, magkapatid nga raw ang kanilang karelasyon ngayon.

Kaya naman pati nga sa mga dates nila ay magkakasama sila. Foursome , ‘ika nga.

O, knows n’yo na ba kung sinu-sino sila? Ah, basta sikat sila.

BLIND ITEM #2: MADALAS kaming makatanggap ng text sa aming listeners tungkol sa young actor na nagpapa-book daw tuwing Biyernes at Sabado sa kanilang lugar sa Pasig. Sabi pa niya sa text, punta raw kami sa kanilang lugar para makita namin ang activities nitong si young actor na bida natin sa ating blind item.

Yes, P3,000 ay puwede na raw ang guwapung young actor. Ah, basta nakikita at napapanood pa rin n’yo siya. Nagtataka nga kami kung bakit nahilig na siyang magpa-book.

O, hinahanap na ng kanyang katawan ang magpahada sa mga bakla.

Ang clue, tatlo ang kanyang initial.

loading...

One thought on “Gina Pareno, pinauso ulit ang mga bidang may edad – Fernan de Guzman

Leave a Reply

Your email address will not be published.