Gina Alajar, galit pa rin kay Krista Ranillo! – Gorgy’s Park

Nabigyan ng malisya ang lumabas na litrato nina Joey Marquez at Joanne Quintas na magkasama sa Gateway dahil sa unang interview ni Joey ay itinatanggi niya ito.

Pero nang na-interview ng Startalk si Joanne, inamin nitong sila nga ‘yung nasa litrato pero hindi naman daw naghu-holding hands.

“Ako talaga ‘yung nandu’n. Oo, kasi may photo shoot po talaga ako ni Sarah Geronimo, kasi iba ang trabaho ko ‘pag behind the camera. Graphic artist po ako, so si Mayor (Joey Marquez) ano nga, hinire niya ako para gawin ‘yung publicity photo niya para sa campaign,” paliwanag nito.

Walang malisya raw ang miting nilang ‘yun sa Gateway dahil business ang pinag-usapan at hindi raw sila nag-date.

“Nagtatrabaho po ako sa Shu, ‘yung make-up company. Kung ‘di naman ako du’n, nandu’n ako sa salon as a hairdresser, so ayun po, wala po akong oras makipag-date. Bakit ako sa Gateway, makikipag-date, tsong ano ka ba!” Natatawang pahayag ni Joanne.

Pagkatapos makipaghiwalay ni Joanne sa dati niyang asawang si Domini Primero, naging abala na raw siya sa trabaho dahil kailangan daw niyang buhayin ang tatlo niyang anak.

Kaya sa dami ng ginagawa niya, wala na raw siyang oras makipag-date, at kung sakali, hindi naman daw kay Joey Marquez.

Wala na raw siyang maidagdag pang paliwanag sa lumabas na litratong ‘yun sa PEP dahil talagang wala raw namagitan sa kanila ni Joey.

Ang pagkakaalam ko naman, tuloy pa rin ang relasyon ni Joey sa non-showbiz partner niya, kaya mas mabuting tapusin na nga ang intrigang ito ng dalawa.

PINAGKAGULUAN NG MOVIE press si Gina Alajar sa presscon ng bagong Christmaserye ng GMA-7 na Sana Ngayong Pasko na magsisimula na sa darating na Lunes.

Ayaw na sanang magsalita ni Gina dahil nasabi na raw niya lahat ang gusto niyang sabihin kaya iniiwasan na niya sanang pag-usapan ito.

Pero nakunan namin ng reaksiyon si Kuya Boy Abunda tungkol sa mga sinabi ni Gina at kung willing ba silang magbigay ng public apology pagkatapos gamitin ng The Buzz ang shoutout ni Gina sa kanyang Facebook account.

Nagbigay ng statement si Kuya Boy na bilang kaibigan ay humihingi ito ng paumanhin kung nasaktan ang aktres. Pero tingin daw nito, hindi magbibigay ng public apology ang The Buzz dahil paninindigan nila ang kanilang desisyon na paggamit ng mga shoutout ni Gina tungkol sa isyu nina Manny Pacquiao at Krista Ranillo.

Sagot naman ni Gina, wala siyang galit kina Kuya Boy, kasama ang iba pang host ng The Buzz na sina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez.

Aware naman daw siyang walang kinalaman dito sina Kuya Boy dahil host sila at hindi sila researcher o segment producer ng naturang talk show. Doon sa mga staff ng The Buzz daw siya may sama ng loob at out daw d’yan sina Kuya Boy.

Kaya nagpapasalamat naman ang aktres kay Kuya Boy na nagpakumbaba ito sa paghingi ng sorry kung nasaktan nga ito. Ang hinihintay raw nito ay ang hinihingi niyang public apology mula sa The Buzz at hindi raw fruit basket na ipinadala sa  kanya ng Executive Producer at maliit na note na nagsu-sorry nga ito.

Hanggang ngayon, hindi pa raw humuhupa ang sama ng loob nito dahil obvious  na na-betray daw siya ng isang kaibigan na siyang naglabas ng shoutout na ‘yun ni Gina at nabigyan ng ideya ang The Buzz na kunin din ‘yun para sa kuwento nila tungkol kay Manny Pacquiao at Krista Ranillo.

Kung hindi nga magbibigay ng public apology ang The Buzz, hindi pa raw alam ni Gina kung ano ang susunod na gagawin. Pinag-uusapan pa raw nila ng kanyang abogado kung ano ang mabuting gawin para mawala naman daw ang galit nito sa The Buzz.

Dahil dito, nagkaalaman na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin daw ang galit niya kay Krista dahil naramdaman din daw niya noon ang naramdaman ngayon ni Jinkee Pacquiao.

Habang tumatagal ang pakikipagpanayam namin kay Gina, lumabas tuloy ang sama ng loob nito kay Krista dahil sa nangyari sa kanila noon ng dati niyang asawang si Michael de Mesa.

Nagkaalaman na rin na noon pa man ay tumatanggi siya ng proyektong kasama si Krista dahil ayaw raw niya itong makatrabaho.

By Gorgy’s Park

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.