Gigi Reyes, trinaydor ng kampo ni JPE

HINDI UMANO inaasahan ni Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile, ang mistulang pagtraydor sa kanya ng senador na parehong dawit sa PDAF scam sa pamamagitan ng non-government organization ni Janet Lim-Napoles.

“The worst blow has just been dealt upon me by no less than the camp of Senator Juan Ponce-Enrile, the man I served with full dedication, honesty and loyalty for 25 years,” ani Reyes.

Batay kasi sa naunang pahayag ni Enrile, hindi nito, pinahintulutan ang kanyang chief of staff sa pork barrel transaction sa NGO ng negos-yante.

Kahit nasa labas na ng Pilipinas, nagpahayag pa rin ng kanyang sama ng loob si Reyes sa pagkadawit ng kanyang pangalan sa kontrober-syal na pork barrel scam.

Sa kanyang pahayag sa pamamagitan ng Facebook, binigyang-diin ni Reyes na na-ging tapat ito sa kanyang dating amo na si Sen. Enrile sa loob ng mahigit sa 25 taon.

Simula umano nang nag-resign siya bilang chief of staff ni Enrile, wala na itong komunikasyon sa dating amo, at ginustong manahimik na lamang sa ibang bansa.

Bago pa man inilabas ang “look-out bulletin” laban sa mga idinadawit sa pork barrel scam, nakalabas na ng bansa si Reyes noong Agosto 31, 2001, ayon na rin sa rekord ng Bureau of Immigration.

 (PARAZZI REPORTIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.