Gigi Reyes, dapat maghiganti kay Enrile at maging state witness – Miriam

SIMPATYA AT hamong maghiganti ang nararamdaman ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes.

Paniwala ng mambabatas na matapos ang pagtatanong kay TRC Director General on-leave Dennis Cunanan sa pagdinig, inilalaglag na ni Enrile ang dating empleyado at pinalalabas, sa tulong ng misis nitong si Cristina, na “stand alone culprit” ito sa umano’y pag-kickback.

Naaawa aniya siya kay Reyes dahil wala itong opsyon noon kundi sumunod sa utos ng amo.

Iginiit pa ni Santiago na “front” lamang ni Enrile si Reyes.

Isa pang puntong dinikdik ng senadora ang naging sagot ni Cunanan, na hindi nagpakita ng anumang senyales o hakbang si Enrile para maghugas-kamay at pigilan ang paggawa ng krimen.

Lalong nanggigil si Santiago nang kumpirmahin ni Cunanan na vinalidate o beneripika ni JPE ang pirma niya sa mga dokumento nang tanungin ito ng Commision on Audit (COA).

Mensahe pa ng senadora kay Reyes: “The best revenge for Atty. Gigi Reyes, … is Atty. Gigi return the money that Enrile stole because I’m sure that Atty. Gigi is in charge of the safekeeping of these illegitimate funds that need to be laundered abroad. And then turn the tables by coming home. And turn into state witness.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Gigi Reyes, dapat maghiganti kay Enrile at maging state witness – Miriam

  1. Pingback: Gigi Reyes, dapat maghiganti kay Enrile at maging state witness – Miriam - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.