“Ghost Retirees” sa PNP, naglaho na

TINIYAK NG Philippine National Police (PNP) na wala nang “ghost retirees” at malinis na ang master list ng mga pensioners.

Sinabi PNP Spokesman Senior Superintendent Generoso Cerbo Jr. kahapon na ang listahan ng mga humigit kumulang 60, 621 pensioners ay nalinis na at patuloy na ina-update upang maiwasan ang iregularidad sa pagbibigay ng pension.

Patuloy ring nagsasagawa ng reporma at bagong sistema ang PNP para na rin malinis ang integridad ng pulisya.

Sa kasalukuyan, mayroon na ring nakasuhan na 30 sibilyang nagpapanggap na pensioners kabilang na ang limang mga pulis na sangkot sa fake pensioners scam.

Nauna nang kinasuhan ng Ombudsman ang mga pulis na sina P/Supt. Maximo C. Layugan, Police Insp. Rosela P. Montealto, SPO4 Marilyn B. Villaflor at PO2 Marion L. Reyes ng Violation of Article 217 (Malversation of Public Funds or Property) of the PRC at Violation of Section 3, Paragraph (e) and (j) of R.A. No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Kasama rin sa maaaring sampahan sina SPO4 Romeo Arela, PO3 Victor Leon T. Viola at NUP Jurida Perasol.

Samantala, sinabi rin ni Cerbo na patuloy ang pagpapatupad nila ng “ATM system” kahit aminado silang hindi pa lahat ng pensioners ay nabibigyan ng ATM card. Sa tulong ng sistemang ito ay mapapadali ang pagkuha ng mga pensioners ng pension dahil hindi na nila kailangan pang pumunta sa Crame upang kunin ang kanilang tseke at sa bangko upang ipapalit ito.

Inaasahan ng PNP na matatapos ang pagbibigay nila ng ATM cards sa mga pensioners bago matapos ang taong ito.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.